i hope you would be like it...sorry mejo starter pa eh..hehehe
Tingloy aking bayan!
Sa bawat pagdadaan ng gintong araw,
At sa bawat pagtingala ko sa langit na bughaw,
May isang tinig na tila pumapalahaw,
Sa puso kong bumalik sa bayang ayaw.
Pinipilit naisin na lupa’y limutin,
Subalit ang puso’y di kayang pigilin,
Na bumalik sa bayang pinagmulan,
Na kung saan unti unting bumuo ng kamusmusan.
Bayang kay ganda ng tanawin,
Mula sa patag at mga bulubundukin,
Ang dagat na dapat pagyamanin,
At ang alon na dumadampi sa puting buhangin.
Ang pilak ng puso ng aking kababayan,
Ang mapagpakumbabang mamamayan,
At ang natatangi nilang kadakilaan,
Ay ilan lang sa tunay na kayamanan,
Ilan lang yan dapat kong ipagmalaki,
Sa mga taong gustong mang api,
Sapagkat mula sa Islang ito ang tagapagsilbi,
Ng kalikasan para sa nakakarami.
Dito nabuo ang aking kabataan,
Ang tawanan at mga biruan,
Ang iyakan at ang mga pikunan,
Na kailan man ay di malilimutan,
Tuntunin ko man ang buong mundo,
Isa lang ang bayang babalikan ko,
Ito ang bayang salat sa tunay na ginto,
Subalit busog naman sa mayamang puso.
No comments:
Post a Comment