Sa mga taong nagtitiwala, sa lakas at kakayanan ng bawat isa sa atin, lubos na pasasalamat ng bawat isa sa amin na naghahangad ng isang pag-unlad ng bayan ng Tingloy, sakop ang mga baryo nito. Isang pagtitiwala ang binibigay sa atin ng bawat mamayan nito, tungo sa pag-unlad ng buhay sa isla ng Tingloy. Totoong karamihan sa ating ang nangingibang bansa at nagtitiis na iwan ang bayang kinalakihan upang umasensyo. Marami na rin sa atin ang lumipat ng tirahan at nangibang bayan upang makita ang pagbabago ng buhay nila. Subalit iba pa rin ang tawag ng kinalakihang bayan na patuloy mong babalikan. Isang Bayang parte na ng bawat isa sa atin. kung saan nabuo ang isang kamusmusan at ang kaalamang ibinahagi sa ating ng mga guro ng ating sariling bayan. Tunay na natin maikakaila ang unti-unti pagliit ng populasyon ng Tingloy na isang sukatan ng Pag-Unlad ng ating bayan. Lubos akong nasasaktan dahil sa pagliit ng populasyon ay patuloy n lumiliit ang kita ng bayan, subalit ang isang maliit na kita ng ating bayan ay mapapalaki kung gagamitin sa tama ang buwis na ating binbayaran. Unahin na nating ang maganda pedestal para maging daan sa pag-unlad ng isang bayan. Kailangan lang natin ng isang matibay na daan na magdurugtong sa maliliit na baryo na bumubuo sa bayan ng Tingloy, ito ay upang madalian tayong makapagbigay ng serbisyong kinakailangan ng isang mamayan. Ang isang MALAWAK at MATIBAY na SEMANTADONG DAAN, ay ang makapagdaragdag ng pagkakakitaan ng bayan, sapagkat kung maayos ang daan ay magkakaroon ng magandang transportasyong panlupa at ito ay magpapadali sa maraming mamayan ng Tingloy.
Tingloy, Tingloy, UMASENSO KA!!!
Tingloy, Tingloy, UMASENSO KA!!!